Wikang Filipino tungo sa daan ng Pagbabago

     "Filipino: Wika ng Saliksik" ito ang tema ng buwan ng wika ngayong taong 2018. Tuwing Agosto, ipinagdiriwang natin ang Buwan ng Wika, binabalikan natin ang pinagmula ng ating pambansang wika sa tulong ng mga iskolar at mananaliksik sa pamumuno ni dating Pangulong Manuel L. Quezon na tinaguriang "Ama ng Pambansang Wika".
     Ayon sa palagay ni Dr. Jose Rizal, ang hindi marunong magmahal sa sariling wika ay higit pa sa amoy ng mabahong isda. Kaya't ating pagyamanin, ipagmalaki, gamitin ng mabuti at bukod sa lahat mahalin ito. Ang pambansang wika, ang suping nagbubuklod sa bawat isa para magkakaintindihan at magkakaunawaan tungo sa maunlad na bansa. Kung ang bansa'y walang pagkakaintindihan magiging magulo ito. Ang tao ay nagiging mapag-isa dahil mahirap na sa kanya ang maghanap ng kaibigan.
     Kaya ngayong Agosto, buwan ng wika nagsisilbing paalala sa bawat tao na balik balikan ang kahalagahan nito. At kung paano pinagbubuklod nito ang isang bansa. Sa ating mga kabataan nawa'y magsilbing ala-ala't palaging dala kahit saanman.

Comments

Post a Comment