Mabuting paggabay tungo sa magandang buhay

   Ang bata kapag inalagaan ng mabuti, binalutan ng pagmamahal at wastong pag-aaruga mula sa kanyang kinagisnang pamilya dulot nito'y isang mapayapa at pamilyang puno ng pagmamahal.

     Tamang pag-aaruga para sa lahat ng bata ay dapat isulong dahil ito ay isa lamang sa mga karapatan ng mga bata at tungkulin ng bawat magulang. Sa ganitong paraan, lalaking mabubuting mamamayan ang mga ito. Sa madaling salita, anumang bagay na natutunan ng bata sa kanyang pamilya ay siya ring ipapadama sa komunidad ng kanyang kinabibilangan at bansang sinilangan. Sabi nga ng ating pambansang bayani ay "Ang kabataan ang pag-asa ng bayan. Ibig sabihin nito na sa paglaki ng bata ay patuloy parin itong gabayan at inaalagaan ng kanyang magulang ng hindi masira ang kanyang kinabukasan. Nang sa maging maganda ang kanyang buhay ay magbahagi ito ng tulong at magbigay sukli.

     Kaya kailangan ng bawat magulang na panatilihing gabayan at arugain ang kanilang anak na maging mabuti. Kasama narin ang mga guro sa paggabay dito.

Comments