Teknolohiya'y gamiting mabuti

     Ngayong buwan ng Nobyembre ipinagdiriwang ang "ESP month" na tumutukoy sa mapanuring paggamit ng gadget: tungo sa mapagkalingang ugnayan sa pamilya at kapwa.
     
     Sa kasalukuyang panahon, naging maunlad at lumaki ang ginagampanang papel ng gadgets o teknolohiya. Isa dito ang pagiging madali ng mga gawain sa araw-araw na buhay. Gamit din ang mga gadgets upang madagdagan ang kaalaman ng mga mag-aaral. Sa kabila man ng mga mabuting epekto ng gadgets dapat parin nating alalahanin na mayroon parin itong masamang epekto. Dapat parin nating alalahanin at alamin ang ating mga limitasyon sa paggamit ng gadgets. Sabi nga sa tema, mapanuring paggamit ng gadget tungo sa mapagkalingang ugayan sa pamilya at kapwa. Kailangan rin natin ang time management, huwag nating ilaan ang lahat ng oras natin sa paggamit ng gadgets, kailangan rin nating maglaan ng oras sa ating pamilya.

     Kaya mahalaga ang mapanuring paggamit ng gadgets upang hindi tayo malamon sa masamang epekto ng gadgets at upang tayo ay makipagsama sa ating pamilya at kapwa


Reference:
https://www.scribd.com/doc/24668594/10962335-Masama-at-Mabuting-Naidudulot-Ng-Makabagong-Teknolohiya-Sa-Kabataan

Comments